Ayan na...Climate Change..:(

Eto..After naming makinig sa presentation ni kua leon bout sa climate change, eto ang naging resulta..ang blog na to..

action blogger

Climate change, resulta ng greenhouse effect..Yan lang naman ang alam ko kapag napag-uusapan ang topic na yan.Maliban sa kasalanan ng tao dahil sa maling paggamit at pang-aabuso sa kalikasan wala na akong ibang masisi sa masanangyayari sa mundo. Kung bakit mainit, bakit malamig at bumabagyo..

Doon ko nalaman kung bakit naging malaki ang papel ng tao sa tuluyang pag-init ng temperatura ng mundo. Kung gaano kahalaga ang LOW CARBON sa lugar na ating ginagalawan.

Hindi naman siguro ikakamatay ng iba, ang simpleng gawi na di pagtatapon ng basura at sobrang paggamit ng mga bagay na makkasira sa ating paligid. Kung ako lang, kaya kong pigilin to, kung ang magiging kapalit naman ay ang magandang kapaligiran para sa lahat.

Siguro nga kasalanan ng gobyerno, pero may kakayahan ang tao para pumili ng tao sa gobyerno. at PERO tao din tayo na may responsibilidad kung bakit may climate change. Walang sisihan..at the end of the day kailangan kumilos din tayo. :D

Walang mayaman at mahirap kapag nsira na mundo. May magagawa ba ang mga mayayamang bansa kapag wla na silang matitirhan? Sana magsilbing aral sa atin na hiram lang natin to, kung gaano natin inaalagaan ito ganon din ang magiging balik satin..go for GREEN.

0
Your rating: None