ito ang ika-walong araw ko sa aking istasyon ng "OJT".. at dahil nababasa nyo ito sa website na ito tama ka! s'yang tunay! sa CPU nga ako sa kasalukuyan....
masasabi kong masaya at higit pa sa inaasahan - ang mga karanasan/natutunan ko sa organisasyong ito.. mga bagay na maipagmamalaki kong DITO lang talaga mapagtatanto [ hang lalim non! - balinguyngoy..] san ka nakakita ng mga mahuhusay na taong handang lumibel sa lebel ng isang MAG-AARAL na walang ibang alam kundi ang tingin nyang tama at mali; dahil hindi naman nya kabisado ang mga leksyon sa eskwelahan na kadalasan paglabas ng silid-aralan o pagkatapos magsulat ng notes sa papel eh limot na ang itinuro ng kanyang mga propesor.... san ka din nakakita ng OJT na kung saan nakadadalo ka sa mga trainings at seminar ng LIBRE! oooopss.... hindi pa kasama sa package ang mga hindi pipitsuging mga nilalang na dumadalo doon at may kasama pang pagpapapicture=D isa lang naman sa mga ito ay ang kauna-unahang komperensya tungkol sa Climate Change na ginanap sa UP Diliman kung saan technical support ang CPU. maari nyong maitanong kung anong konek nun sa IT... naisip ko din yan pero naisip mo ba na malaki ang konek nito sa iyo bilang tao? hindi naman porke IT ang kinukuha naten eh un nalang ang TANGING alam naten...
well, pwede kaung kumontra...
kung wala kami sa mga conferences, seminars o trainings, nandun lang kaming lahat sa CPU Labs sa may Quezon Ave... nagttroubleshoot ng pc na may kasamang lecture mula sa eksperto, nagsshare ng mga karanasan ng bawat isa [syempre may ganung side para hindi laging duguan ang utak..] naglelecture ng tungkol sa IPR, licenses at wikipedia at ayon sa aming internship program ay madami pang iba....
o diba ITO ANG DAPAT? =D
kahit unang beses palang ng organisasyong ito na magkaroon ng internship program, eh ndi halata... kompleto dokumento kasi with matching MOA pa! at dahil isang NGO ang CPU ndi ito nagbibigay ng allowance... at isang bagay un na hindi ko ikinalulungkot bagkus, ikinabilib ko ng labis!... isa lang ang masasabi ko: PARA KANINO? wala ng iba...
"The best way to find yourself is to lose yourself in the service of others."
hindi ako may sabi nyan kundi si Mahatma Gandhi =D
kung irerate ko ang internship program ng CPU at 10 ang pinakamataas, syempre hindi 10
mga 9.9 lang first time palang kaya nila! ahaha...
GODbless, CPU=)
