Feb 19 ang simula ng information activism camp sa Bangalore, India. Naimbitahan ang CPU upang maging advisory group member ng camp.
Ang aking tiket to bangalore ay naipakiusap sa isang kaibigang travel agent, kaya't kahit wala silang 'fly now, pay later promo' bigla silang nagkaroon upang matulungan lamang ang cpu.
10.30 am: Nag-uusap pa kami ni rei upang masigurong maipagpatuloy ang mga gawain sa cpu.
12.20nn: Nakapasok na ako sa immigration. Dahil sa lagi na lamang akong natatanong kung babalik pa ng pinas pinili ko ang tila mabait na immigration officer. Mabuti at mabait nga.
1pm: Nasa gate 5 na ako. malakas ag usapan ng dalawang attendant. pareho silang maganda. pinag-uusapan nila ang tungkol sa kani-kanilang mga asawa. malakas ang kanilang kwentuhan sa pag-aakalang hindi ko maiitindihan ang kanilang salita, bikol. napangiti na lamang sila ng makisabat ako.
Wala pa akong kinakain. kaya sa halagang 120php, nilunok ko ang sosyal na pandesal at kapeng may yelo.
1.37pm: Wala pang anunsyo ang eroplanong sasakyan ko.
indiano ang tingin madalas sa akin ng mga indiano. Kayat hindi na ako nagtaka na may tumabi sa aking indiano at nakangiti.
Hindi rin magugulat mga katulad kong member ng cpu kung ganito ang ayos ko sa ibaba.
Mula ngayong hanggang makabalik, sisikapin kong mag-blog update. ang camp raw ay may vsat connection.
1.44pm boarding call na ng airline. syempre prioritized ang business class, kaya nanonood lang ako sa boarding passengers.
